Rinz Ruiz - Paa Tuhod Balikat Ulo

To Rate
Verse 1
Minsan ang buhay samot-sari ang kulay
Ngunit minsan lumalamlam 'pag dumidilim ang daan
Hindi mo mabuksan pinto sa kinabukasan
Bulong ng alinlangan ay baka wala kang dadatnan

Pre-Chorus
Lumingon ka lang sa kawalan
At ako'y 'yong masusumpungan
Mula paa, tuhod, balikat, at ulo
Ilalaan sa 'yo

Chorus
Paa, tatakbuhin kita
Tuhod, para sa 'yo, sa langit luluhod
Ang balikat ko'y narito
Kung kailangan ay sandalan mo
Tandaan na sa ulo palagi ka nitong laman

Verse 2
Ang kinakatakutang multo ng nakaraan ay
Walang kapangyarihan laban sa pag-ibig na satin ay gumagabay
Kaya't humakbang nang muli kahit na paunti-unti
Ika'y aalalayan, ilaw sa'yong lalakaran, oh, oh, oh

Pre-Chorus
Lumingon ka lang sa kawalan
At ako'y 'yong masusumpungan
Mula paa, tuhod, balikat, at ulo
Ilalaan sa 'yo
Chorus
Paa, tatakbuhin kita
Tuhod, para sa 'yo, sa langit luluhod
Ang balikat ko'y narito
Kung kailangan ay sandalan mo
Tandaan na sa ulo palagi ka nitong laman

Bridge
Sasabayan, sasamahan
Hanggang ang puso'y mabuksan
Sasabayan, sasamahan
Hanggang ang puso'y mabuksan

Chorus
Oh, paa, tatakbuhin kita
Tuhod, para sa 'yo, sa langit luluhod
Ang balikat ko'y narito
Kung kailangan ay sandalan mo
Tandaan na sa ulo palagi ka nitong laman
Ah-ah, ah-ah (Paa, tatakbuhin kita)
Ah-ah, ah-ah (Tuhod, para sa 'yo, sa langit luluhod)
Ah-ah, ah-ah (Ang balikat ko'y narito)
Ah-ah, ah-ah (Kung kailangan ay sandalan mo)

Outro
Dito sa puso ko, palaging may puwang

Comments

More Rinz Ruiz lyrics

Rinz Ruiz - Paa Tuhod Balikat Ulo
{Verse 1} Minsan ang buhay samot-sari ang kulay Ngunit minsan lumalamlam 'pag dumidilim ang daan Hindi mo mabuksan pinto sa kinabukasan Bulong ng alinlangan ay baka

Rinz Ruiz - Bitaw
{Verse 1} 'Pag sinabi kong tumalikod na 'Wag nang lilingon 'Wag kang lilingon 'Pag sa tingin 'di mo kayang tiisin Isipin mo na lang Wala na

Rinz Ruiz