Fr. Eduardo Hontiveros SJ - Ang Mabuhay Sa Pag-ibig

Copied!edit Lyrics
original text at lyrnow.com/2084039
Verse 1
Ang mabuhay sa pag-ibig ay pagbibigay
Na ’di nagtatantiya ng halaga
At hindi naghihintay ng kapalit
Pagbibigay walang pasubali

Chorus 1
Naibigay ko na’ng lahat, magaan akong tumatakbo
Salat man ako sa lahat, salat man ako sa lahat
Ang tangi kong yaman ay mabuhay sa pag-ibig

Verse 2
Ang mabuhay sa pag-ibig ay paglalayag
Na hantunga’y payapa’t may galak
Sa maalab na udyok ng pag-ibig
Hinahanap Kita sa‘king kapwa

Chorus 2
At S’yang tanging tumatanglaw
Bituin sa aki’y patnubay
Diwa sa paglalakbay, sandigan, lakas at tibay
Ang tangi kong yaman ay mabuhay sa pag-ibig

Verse 3
Ang mabuhay sa pag-ibig ay maging bihag
Sa tawag ng pagmamahal ng Diyos
Papawiin N’yang lahat ng panimdim
Sa gunita, dahas ay limutin

Chorus 3
Sisidlang putik man ako, kayamanan Ka ng puso ko
Ang gantimpala ko’y Ikaw, pag-asa ang natatanaw
Ang pumanaw sa sarili ay mabuhay sa pag-ibig

Outro
Ang mabuhay sa pag-ibig
 
0

Song Description:

edit soundcloud

SoundCloud:

edit soundcloud

More Fr. Eduardo Hontiveros SJ lyrics

Fr. Eduardo Hontiveros SJ - Ang Mabuhay Sa Pag-ibig
{Verse 1} Ang mabuhay sa pag-ibig ay pagbibigay Na ’di nagtatantiya ng halaga At hindi naghihintay ng kapalit Pagbibigay walang pasubali {Chorus

Fr. Eduardo Hontiveros SJ - Dakilang Tanda
{Verse 1} Dakilang tanda ang sumikat sa langit Babaeng nararamtan ng araw Siya'y nakatuntong sa maliwanag na buwan Labindalawang bituin ang kanyang korona

Fr. Eduardo Hontiveros SJ - Maria, Ina ng Kapayapaan
{Verse 1} Maria, Ina ng Kapayapaan Turuan mo kaming magmahalan Lahat naman kami ay isang bayan Lahat magkapatid sa'yong Anak {Verse 2}

Fr. Eduardo Hontiveros SJ - Santa Maria della Strada
{Verse 1} Maria della Strada, Ina ng Landas Ipagdasal aming makamtan ang lakas Mangahas na mabuhay ngayon hanggang wakas Na laging kapiling Anak mong matimyas

Fr. Eduardo Hontiveros SJ - Ina ng Paglaya
{Verse 1} Kami’y dumudulog, O mahal na Ina Dinggin ang pagsamo ng bayan mong sinta Kami’y tulungan mo sa pakikibaka Upang makalaya sa’ming pagdusa

Fr. Eduardo Hontiveros SJ - Brother to Brother
{Verse 1} No one can live as his own master, we are not our own And no one can die as his own master, man does not die alone {Chorus} Christ Jesus calls

Fr. Eduardo Hontiveros SJ - Sa Piging ng Panginoon
{Chorus} Sa piging ng ating Panginoon, tayo’y laging natitipon Upang matutong magmahalan sa pag-ibig na nakamtan {Verse 1} Buhay ay inialay N’ya sa