Venn G - SERYOSO

Copied!edit Lyrics
original text at lyrnow.com/2097825
Ang hangganan ng buhay natin hindi maiwasan
Kahit pinansyal mong estado ay talagang kabigatan
Pag iingat mo man sagad wala pa rin katiyakan
Dahil kamatayan ay darating ng walang pagpapaalam

Sa isang iglap pwede magbago ang hinaharap
Ang masayang pagkakataon bigla na lamang sasaklap
Hindi natin manipulado ang oras sa ating buhay
Ang tumubo sating sungay ang pumutol sa tulay

Hindi siya nagkulang sa atin yan ang lagi mong pagkakatandaan
Kung saan ka man ngayon bunga ng desisyon sa nakaraan
Gumanap ka ng walang gabay umasa sa sariling kalakasan
Mahal ka niya kaya nirespeto niya ang gusto mo na lakaran

Kaya lang!
Lalambot ka rin gaano man ang katigasan
Natural sa tao ang meron na kapintasan
Senyales sa Panginoon tayo ay mangailangan
Si Hesus inunat ang braso para tayo hawakan

Maraming papuri naririnig sa iba
Di namalayan sahog yun para yabang mailikha
Nawala tayo sa sentro ng Diyos dahil sarili ay tuso
Sabayan pa ng taong mapagengganyo sa tukso
Siya ang Diyos na dapat nilalaman ng iyong puso
Para alam mong pilin ang tama sa peke at totoo
Marami siyang pag iingat na hindi natin namalayan
Na di natin dinasal pero kanyang pinatunayan
Pag ibig sayo sa akin na walang katumbas
Kahit lamang ang kamalian di nagawang manumbat
Biningwit tayo ng awa kahit hindi karapat dapat
Bagamat astang parang walang kamatayang magaganap

Panginoon, aming Diyos purihin ang pangalan mo
Kahit sinuman taong mahusay ikaw ang kailangan po

Wala kaming magagawa kung kami sayo layo
Ang katiyakan na pag iingat sayo lang matatamo

Panginoon, aming Diyos purihin ang pangalan mo
Kahit sinuman taong mahusay ikaw ang kailangan po

Hesus sa langit at lupa ikaw ang hari ng mga hari
Ang mamatay sayong namalagi yun ang tunay na wagi

Sa Diyos ang lahat ng kapurihan!
 
0

Song Description:

edit soundcloud

SoundCloud:

edit soundcloud

More Venn G lyrics

Venn G - HANTUNGAN
INTRO: Mensahe na di lamang para ako'y magtanghal Kundi kailangan natin na tanging magtatanggal Pumulupot sa leeg parang balabal Na sumakal sa ating buhay na walang kaangal

Venn G - GARANTISADO
BERSO I: Aking munting musika di lang para sa sarili Ito ay may mensahe bago ka pa maghabilin Ng huli mong salitang magbibigay maghahanda Dahil ang kamatayan ninuman ay

Venn G - HANGGANG KAILAN?
BERSO 1: Umiikot ang buhay sa paulit ulit lang Baluktot mong binabaybay nasa iyo pagtuwid niyan Walang pwede isise kung saan ka na bang sitwasyon Dahil pinili mo yan sa lahat ng

Venn G - SERYOSO
Ang hangganan ng buhay natin hindi maiwasan Kahit pinansyal mong estado ay talagang kabigatan Pag iingat mo man sagad wala pa rin katiyakan Dahil kamatayan ay darating ng walang