Ang hangganan ng buhay natin hindi maiwasan Kahit pinansyal mong estado ay talagang kabigatan Pag iingat mo man sagad wala pa rin katiyakan Dahil kamatayan ay darating ng walang pagpapaalam
Sa isang iglap pwede magbago ang hinaharap Ang masayang pagkakataon bigla na lamang sasaklap Hindi natin manipulado ang oras sa ating buhay Ang tumubo sating sungay ang pumutol sa tulay
Hindi siya nagkulang sa atin yan ang lagi mong pagkakatandaan Kung saan ka man ngayon bunga ng desisyon sa nakaraan Gumanap ka ng walang gabay umasa sa sariling kalakasan Mahal ka niya kaya nirespeto niya ang gusto mo na lakaran
Kaya lang! Lalambot ka rin gaano man ang katigasan Natural sa tao ang meron na kapintasan Senyales sa Panginoon tayo ay mangailangan Si Hesus inunat ang braso para tayo hawakan
Maraming papuri naririnig sa iba Di namalayan sahog yun para yabang mailikha Nawala tayo sa sentro ng Diyos dahil sarili ay tuso Sabayan pa ng taong mapagengganyo sa tukso Siya ang Diyos na dapat nilalaman ng iyong puso Para alam mong pilin ang tama sa peke at totoo Marami siyang pag iingat na hindi natin namalayan Na di natin dinasal pero kanyang pinatunayan Pag ibig sayo sa akin na walang katumbas Kahit lamang ang kamalian di nagawang manumbat Biningwit tayo ng awa kahit hindi karapat dapat Bagamat astang parang walang kamatayang magaganap
Panginoon, aming Diyos purihin ang pangalan mo Kahit sinuman taong mahusay ikaw ang kailangan po
Wala kaming magagawa kung kami sayo layo Ang katiyakan na pag iingat sayo lang matatamo
Panginoon, aming Diyos purihin ang pangalan mo Kahit sinuman taong mahusay ikaw ang kailangan po
Hesus sa langit at lupa ikaw ang hari ng mga hari Ang mamatay sayong namalagi yun ang tunay na wagi
Venn G - HANTUNGAN INTRO: Mensahe na di lamang para ako'y magtanghal Kundi kailangan natin na tanging magtatanggal Pumulupot sa leeg parang balabal Na sumakal sa ating buhay na walang kaangal
Venn G - GARANTISADO BERSO I: Aking munting musika di lang para sa sarili Ito ay may mensahe bago ka pa maghabilin Ng huli mong salitang magbibigay maghahanda Dahil ang kamatayan ninuman ay
Venn G - HANGGANG KAILAN? BERSO 1: Umiikot ang buhay sa paulit ulit lang Baluktot mong binabaybay nasa iyo pagtuwid niyan Walang pwede isise kung saan ka na bang sitwasyon Dahil pinili mo yan sa lahat ng
Venn G - SERYOSO Ang hangganan ng buhay natin hindi maiwasan Kahit pinansyal mong estado ay talagang kabigatan Pag iingat mo man sagad wala pa rin katiyakan Dahil kamatayan ay darating ng walang