Geo Ong - Don Angelo

Copied!edit Lyrics
original text at lyrnow.com/1349513
Verse 1
Elementarya pa lamang ako, madalas na makantsawan
'Pagkat isa ako sa mga walang-wala sa paaralan
Pumapasok na walang kain, may bitbit pang mga pasanin
Habang suot uniporme kong dalawang araw ng labahin
Walong taon pa lang ang edad, iba na taglay kong abilidad
Mga kaklase patungong klase ano paraan hinatid ni dad
Habang ako ay naglalakad, sinusuong kahit anong kalamidad
Sinasambit ang lagi kong dasal kay God, ako din po sana bigyan

Interlude
Panginoon, bakit gano'n mula noon hanggang ngayon
Kahit magsikap, bakit sa hirap pa rin ako laging baon?
'Yan ang aking laging tanong kaya lumaban hindi nagpatalo
Inspirido, 'di lang ganado 'pagkat nalaman kong galing ko do'n

Verse 2
Magka-ama 'yan ang pangarap kong madama
Ang alaala ko na lang sa kaniya pangalan ko na dala (Ko na dala)
Pero ni minsan, 'di ko naisip na magpatalo sa pagkalumbay
Salamat panginoon sa lakas ng loob para abutin ang tagumpay
Alam mo bang isang dahilan kung ba't mga mata natin nasa harapan
Para hindi na natin balik-balikan, mga pangit na nakaraan Abante, balewalain ang mga paninira ng iba
Ngayon lang 'yan, 'pag naabot mo na
Proud din 'yan, kilala ka nila, 'di ba?
Gawin mo lang, tama, mga gusto mong gawin
Madilim nga lang kung kakatanim lang, 'tol, tutubo ka rin
Lahat ay nagdaan sa hagdan para ang pangarap makamtan
Madalas nasa daan ang hagdan dapat labanan ang hakbang

Verse 3
'Di mapapa-sa'yo ang buong premyo kung aasa lagi sa iba
Kakarampot lang na balato ang makukuha mo lang sa kanila
'Wag mong hayaang may masayang ka na pagkakataon
Kung anong pangarap mo noon dapat and'yan ka na ngayon
Dating araw na lubog, ngayon umahon at sumikat
Dating maghapon tulog, ngayon bumangon at dumilat
Nilisan panandilian ang aking pinanggalingan
Malayo ka sa pamilya, masakit na tatanggapin 'yan

Interlude
Pero ayos lang kesa wala 'kong mapala
'Di na sa'kin bago madapa kahit ga'no kalala
Pagdating ko nakatingin lahat hindi na bago sa mata
"Rapper din po ako mga, sir, 'di lang gano'ng halata!"

Verse 4
Lalamunang namamaga na, lalo pang lumalala
Hangga't walang napapala, malabo 'to na madala
Dibdib na nadadaga, 'di nasindak nang babala
Hilahin man nang pababa, tuloy pa rin ang pagdada
'Di na maliligaw kahit ga'no pa karaming pagdaanan
Ako'y handang buong loob sino man ang makalaban
Minsan na ring nalito, lumiko ang landas
Mas lalo lang akong nadapa, nung lumingon pa sa past
Kaya ngayon lahat ng mali ko, napupuna 'ko
Salamat karanasan, sa wakas natuto na 'ko sa buhay
Mas masakit, malala, mas mahirap na karanasan
'Pag nasanay ka sa susunod, madali na lang 'yan lagpasan

Interlude
Kalimutan mo lahat nang kumalimot sa'yo
'Pag kilala ka na, lalapit sila (Sino ka, bro?)
Mga masama't malala't mga mabuting karanasan mo
Ang huhulma sa'yo kung sino ka ngayong araw na 'to

Outro
Para mabuhay lang ako, pinapatos na lahat
Walang pakialam maski pinapaltos na balat
Mararating mo rin, Geo, 'wag ka lang masyadong atat
'Yan ang sabi sa'kin ng Diyos na pinakaboss sa lahat
Mararating mo rin, Geo, 'wag ka lang masyadong atat
'Yan ang sabi sa'kin ng Diyos na pinakaboss sa lahat
 
0

Song Description:

edit soundcloud

SoundCloud:

edit soundcloud

More Geo Ong lyrics

Geo Ong - ‘Wag Ako
INTRO: Wag ako wag ako iba nalang Wag ako wag ako iba nalang Wag ako wag ako iba nalang Hinding hindi niyo ko malilinlang 1ST VERSE: Yo Waddup tol 'di mo

Geo Ong - 44 BARS
Nawalan ng gana sa hiphapan, gutom matagal nang nalipasan Mas okay sa kalikasan puro lang kaginhawaan Kayo puro nalang pasikatan gamit ang issue niyo kabilaan Yan ang nais kong

Geo Ong - Huling Liham
{Verse 1} Isang gabi, kausap mo ang iyong nobya Gaya ng dati, siya ay iyong binobola Nakaramdam ka ng init ng katawan Hiningan mo siya ng video ng kaniyang maselang

Geo Ong - Opinyon
Napapansin mo ba na parang niloloko na tayo? Ng mundong sobrang talino binobobo na tayo Pinapaikot na ng pera ang lahat ng tao Mga networking na ang lakas mang gago Dinadaan tayo

Geo Ong - Gising
Sa buhay ng tao ay normal lang naman sumabit Kung sumabit ka sana naman wag ng gumamit Pipilitin ngumiti kahit halatang balisa pakiramdam mo Ikaw ang palaging nasa gitna Maya't

Geo Ong - Don Angelo
{Verse 1} Elementarya pa lamang ako, madalas na makantsawan 'Pagkat isa ako sa mga walang-wala sa paaralan Pumapasok na walang kain, may bitbit pang mga pasanin